Ang baho ng pangalang Arroyo

November 18, 2009 by admin · Leave a Comment
Filed under: Uncategorized 

May rason naman para magsaya ang oposisyon sa resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia sa mga senatoriables sa May 2007 eleksyon.
Ang nasa top 12 ay mga personalidad na masasabing naka-linya sa oposisyon. Ito ang nangunguna sa senatorial race sa ngayon: Loren Legarda; Panfilo M. Lacson; Francis N. Pangilinan; Manuel B. Villar, Jr.; Alan Peter S. Cayetano Vicente C. Sotto III; Ralph G. Recto (28.7%),Replica Fendi; . Korina Sanchez; Aquilino Pimentel “Koko”III; Gregorio B. Honasan (24.1%); JV Ejercito-Estrada; Edgardo J. Angara;

Sabi ng Pulse Asia, hanggang no. 19, maari pang masabi na malakas ang posibilidad manalo. Ang pito pang sumusunod ay sina Benigno C.”Noynoy” Aquino III,LV Wallets; Francis G. Escudero; John Henry Osme?a (17.8%); Rozzano Rufino B. Biazon (17.8%); Imee R. Marcos (17.6%); Joker P. Arroyo (17.0%); at Luisa “Loi” Estrada.

Sa mga tauhan ni Arroyo, ang may pinakamataas na rating ay si Mike Defensor, presidential chief of staff, na nasa no. 20.

Si Press Secretary Ignacio Bunye ay no. 41,Coach Handbags, si Executive Secretary Eduardo Ermita ay no. 43 at si Environment Secretary Angelo Reyes ay no. 47.

Si Mikey Arroyo, anak ni Gloria at Mike Arroyo at congressman ng Pampanga ngayon ay number. 44. Sayang at hindi sinama ng Pulse Asia si Mike Arroyo at malaman sana natin kung gaano kababa ang tingin ng taumbayan sa kanya.

Alam ko may isang survey group na nagsurvey ng popularidad ni Alan Peter Cayetano at Mike Arroyo ng kainitan ng balita tungkol sa deposito na $500 million sa German bank. Ang resulta malapit sa plus 30 si Cayetano at minus 40 si Arroyo. Ibig sabihin , mas naniniwala ang taumbayan kay Cayetano.

Napanood ko sa ANC ang dagdag na obserbasyon ni Ana Marie Tabunda ng Pulse Asia sa kanilang pinaka-huling survey sa mga senatoriables. Sabi niya mataas sa rating ang mga anak ng dating presidente katulad ni JV Ejercito (number 11) at Nonoy Aquino (19). Ngunit si Mikey Arroyo ay number 44. Ganyan kabaho ang pangalan ng mga Arroyo sa taumbayan.

Kaya lang ang oposisyon ay dapat hindi magkuntento sa popularity. Dapat ayusin nila ang kanilang organisasyon sa buong bansa. Matindi ang organisasyon ni Arroyo at hawak nila ang kaban ng bayan. Dapat gamitin nila ang lahat na kaya nilang gawin para hindi na maulit ang dayaan na nangyari noong 2004 na eleksyon.

Isa pa. Sigurado ba silang oposisyon itong nasa top 12? Nandiyan si Recto na mismong nagsabi sa interview kay Pia Hontiveros na siya ay “moderate”. Hindi raw siya talagang hardline na oposisyon.

Kung ganun, ano siya? Saan ang panindigan niya sa isyu ng pandaraya at pagnanakaw ni Arroyo?

Dapat salain ng oposisyon ng husto ang sasali sa kanilang tiket.

Other articles: